Ano ang Leptospirosis?
Ang leptospirosis ay isang uri ng seryosong impeksiyong sanhi ng bakteryang nagmumula sa ihi ng mga hayop na katulad ng mga daga. Ang bakterya ng leptospirosis ay nakukuha rin magmula sa tubig- baha na nahaluan ng mga ihi ng mga daga. Pangkaraniwan ang leptospirosis tuwing tag-ulan at panahon ng bahaan. Ang bakterya mula sa ihi ng mga daga ay maaaring pumasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga sugat sa paa, binti, hita, tuhod, at iba pang mga bahagi ng katawan na nalublob o nabasa ng tubig ng baha.
Ano ang mga sintomas ng leptospirosis?
Ang sintomas ng leptospirosis ay karaniwang nararamdaman 4 hanggang 14 araw matapos ma expose sa leptospira bacteria. Ito ang tinatawag na leptospira bacteria. Ito ang tinatawag na incubation period at sa oras na ito maaring maramdaman ang mga sumusunod:
- lagnat
- pag-ubo
- panginginig
- sakit ng ulo
- pagkahapo
- pagkahilo at pagsusuka
- pagkawala ng ganang kumain
- pamamantal ng balat
- pamumula ng balat
- pananakit ng kalamnan lalo na sa hita at likod
Maaring lumubha ang leptospirosis at maging dahilan ng pagkamatay kapag hindi naagapan. Maapektuhan ang mga lamang loob tulad ng atay, baga, bato puso at utak. Ang malubhang kasong ito ng leptospirosis ay tinatawag na Weil’s disease. Ito ang ilan sa mga sintomas:
- paninilaw ng balat at puting bahagi ng mata
- pamamaga ng mga bukong-bukong paa at kamay
- pananakit ng dibdib
- seizures o matinding sumpong
- pangangapos ng hininga
- pag- ubo ng dugo
Sanhi ng leptospirosis
Ang leptospirosis ay sanhi ng leptospira bacteria na naninirahan sa bato ng mga hayop at nailalabas sa kanilang pag-ihi. Matagal ang buhay ng mga bacteriang ito- maaring umabot ng ilang linggo o buwan kapag sila ay nasa tubig o lupa na. Maaring maimpeksyon ng leptospira bacteria ang kontaminadong tubig o lupa kapag ito ay napunta sa bibig, mata, ilong o bukas na sugat sa balat. Pwede rin itong makuha sa kagat ng daga. Bihira itong makuha ng tao sa kapwa tao, ngunit posible itong mangyari sa pakikipagtalik o pagpapasuso ng may sakit na ina sa kanyang sanggol.
Mga gamot at lunas sa leptospirosis
Ang sakit na ito ay kadalasang naaagapan sa pamamagitan ng leptospirosis prophylaxis o ang pag inom ng antibiotics tulad ng penicillin at doxycyline. Mahalagang tapusin ang pag inom ng gamot ayon sa sabi ng doktor dahil maaring bumalik ang bacteria kapag itinigil ang medikasyon. Para sa malubhang leptospirosis, kailangang ma admit sa ospital upang mabigyan ng antibiotics nang direkta sa dugo. Kapag apektado na ang lamang loob, maari ring mangailangan ng mechanical ventilator at dialysis.