Gusto nyo bang pumuti? Ano ba dapat gawin para maging maputi. Titingnan natin ang mga hakbang para pumuti ang isang tao. Mga natural na paraan at mga pinapahid sa katawan.
Ano nga ba ang Skin Whitening o Pagpapaputi?
- Ang skin whitening o pagpapaputi ay isang terminolohiya na ginagamit para sa cosmetics para pumuti ang balat
- May mga produkto sa merkado na nangangakong magkakaroon ka ng maputi at makinis na balat gamit ang mga chemicals na safe sa balat.
- Sa nagdaang mga taon ang mercury at hydroquinone ang main ingredients ng pagpapaputi pero napagdesisyunang ibanned ito ng FDA dahil nakakasira ito sa sa lamang panloob ng tao at pwede kang mapahamak.
- Skin Whitening Cream – ay naging popular sa mga nagdaang taon para gamutin ang mga skin disorders gaya ng pigmentation, freckles, pregnancy marks, and spots.
- Ito ay lalong naging popular ng ginagamit na ito lalo ng mga babaeng maiitim.
Skin Whitening Ingredients
- Sa lahat ng skin whitening creams o pagpapaputi na creams TRYROSINASE inhibitors ang ginamit gaya ng:
- Vitamin C
- Kojic Acid
- Melanostat
- Arbutin
- Ang pangunahing gamit nila ay para inactivate ang TRYROSINASE isang klase ng enzyme na nagdudulot sa balat para umitim.
Vitamin C
- Ang Vitamin C ay nagbibigay ng magandang resistensya sa katawan at ito rin ay ngpapaganda ng balat.
- Ang Vitamin C higit na ginagamit ngayon dahil sa ascorbic acid agent na napatunayang pumipigil sa production ng melanin pigments na nagpapauti sa balat.
- Ang Vitamin C ay talagang pumapasok sa balat na nagpapaganda sa
- Pagbibigay ng collagen.
- Ang Vitamin C rin ay tumutulong sa pagayos ng balat at paghilom ng sugat.
Kojic Acid
- Kojic acid ay isang klase ng metabolic product na pumipigil sa aktibidad ng tyrosianse, isang enzyme na kailangan para sa biosynthesis ngmelanin.
- Kojic acid ay isang popular na gamit sa skin whitening creams.
Melanostat
Melanostat ay isang bagong ingredient sa skin whitening cream products na gumagalaw bliang tagatanggap ng tryosinase at melanin.
Melanostat ang kaisa-isang skin whitening ingredient na guamgalaw para sa melanin cells na direktang tumatanggal ng melanogenesis isang proseso na nagdudulot sa balat ng pagkakulay na sya namang nagpapaputi sa balat.
Arbutin
- Arbutin ay isang agent na nakukuha sa bearberry plant sa pamamagitang ng liquid extraction o pagpiga.
- Ito ay pumuprotekta sa balat sa mga free radicals na nagdudulot sa balat para umitim.
- Ito ay pinakapopular na gamot sa skin pigmentation sa Asian countries gaya ng Japan.
- Ito ay pumipigil sa production ng melanin pigment sa pamamagitan ng pagpigil sa aktibidad ng tyrosinase.
- Ito rin ay napagalamang isa sa mga safest skin agent na makikita sa skin whitening cream.
Mga Natural na Sangkap sa Pagpapaganda, Pagpapakinis at Pagpapaputi ng Balat
Gatas
Ang gatas pati na ang mga produktong yari dito ay may taglay na lactic acid na may epekto ring pampaputi sa kutis ng balat. Natural din nitong inaalis ang mga lumang balat upang mapalitan ng mas bago at masiglang skin cells.
Paano ito gawin? Kadalasan ay hinahaluan ng gatas ang tubig na pampaligo kung saan dapat namang ibabad ang sarili upang sumuot sa balat ang gatas. Maaari din gamitin ang yogurt na isang produktong gatas bilang pampahid sa balat.
Kamatis
Ang kamatis ay may epekto ring pampaputi dahil sa taglay nitong Vitamin C. Pinapalusog din nito ang kutis at binabawasan ang sobrang paglalangis sa balat pati na ang sobrang pagtatagihawat.
Paano ito gawin? Ang dinurog na kamatis ay maaaring ipantapal sa balat at ibabad nang 15-25 minuto.
Bigas
Taglay naman ng bigas ang para-aminobenzoic acid (PABA) na isang natural na sunscreen o pangharang sa epekto ng araw na nakakaitim ng balat. Tinutulungan din ng PABA na pataasin ang natatangap na Vitamin C ng balat kung kaya’t mas lalo nitong pinapalusog ang balat.
Paano ito gawin? Durugin ang bigas sa maligamgam na tubig hanggang sa ito ay maging pulbos. Haluin nang mabuti hanggang sa maging malapot. Ang napalapot na bigas ay maaring ipahid sa balat na nais paputiin.
Pulot (Honey)
Ang pulot ay nakatutulong din sa pagpapaputi ng balat pati na sa pag-aalis ng dead cells sa balat upang mapalitan ng mas masiglang balat. Ito rin ay may epektong antibacterial na kayang pumatay sa mga nakakasamang mikrobyo na maaaring pagmulan ng sakit.
Paano ito gawin? Paghaluin ang maligamgam ng tubig at natural na pulot. Ipahid ito sa balat na nais paputiin at hayaan nang 10-20 minuto.
Papaya
Ang papaya ay kadalasang sangkap sa mga pampaputing produkto na sabon at mga lotion na mabibili ngayon sa mga pamilihan. Dahil ito sa sustansyang papein na may mabuting epekto sa kalusugan ng balat.
Paano ito gawin? Ang hinog na papaya ay maaaring durugin at saka ipampahid sa balat. Hayaang matuyo at dumikit sa balat ang papaya bago hugasan.
Pipino
Nakatutulong din ang pipino sa pagkakaroon ng masigla at maputing kutis ng balat. At nababagay din ito sa lahat ng uri ng balat, mapa bata man o sa matatanda.
Paano ito gawin? Ang mga hiniwang pipino ay direktang ipantapal sa balat na nais paputiin. Hayaan ito nang 15-30 minuto.
Lemon Juice
Ipahid ang juice sa mismong area na gusto mong pumuti. Hayaan nakababad ang balat sa juice ng 15 minutes. Banlawan ng tubig. Pahiran ng moisturizer ang katawan upang hindi ito maging “dry”. Kung nais paputiin ang mukha, gumawa ng paste mula sa mga sumusunod na ingredients: one teaspoon of milk, one half teaspoon of almond oil, one teaspoon of honey and one teaspoon of lemon juice.
Ipahid sa mukha ang mixture at hayaan ito ng 15 minutes. Banlawan ang mukha ng malamig na tubig.
Patatas
Balatan ang patatas. Maghiwa ng isang piraso. Ito ang ipahid sa area na nais pumuti. Ang isang paraan ay i-blender ang patatas, pigain ang juice at ito ang ipahid sa balat. Haluan ng calamansi juice ang patatas upang hindi mangitim.
Lemon, Kamatis at Pipino
I-blender ang 2 pirasong kamatis at isang pipino. Pigain ang juice at salain sa malinis na kamiseta. Ihalo ang juice ng isang pirasong lemon sa napigang juice ng kamatis at pipino. Ito ang ipahid sa balat na nais pumuti. Hayaang nakababad ang juice sa balat hanggang 15 minutes at saka banlawan.
Oatmeal
Paghaluin ang 1 cup oatmeal, 1/2 cup yogurt at 2 tablespoon tomato juice hanggang maging paste. Ipahid sa balat at hayaang nakababad ng 20 minutes. Banlawan ng malamig na tubig.
Dapat ay gawing regular ang paggamit ng mga nabanggit na pampaputi. Hindi iyan makukuha sa isang pahiran lamang.