Gamot sa Pagtatae

ANO ANG DIARRHEA (PAGTATAE)?

Masasabing nagtatae ang isang bata kapag siya ay naglalabas ng dumi na mas matubig kaysa sa normal at hindi bababa sa 3 beses sa loob ng 24 oras.

Ano ang sanhi ng pagtatae?

Ang pagtatae ay isang sintomas ng mas malalang sakit. Maaring makaranas ng pagtatae ang isang tao kapag ito ay nakakain ng kontaminado o panis na pagkain. Ngunit sa mga kaso ng mga bata, ang pagtatae ay madalas sanhi ng virus, ngunit maaring galing din sa bakterya,sa katawan na nagmumula sa kanyang kinakain o iniinom na tubig.

Ano ang maaring maging epekto nito sa bata?

Dehydration o panunuyo dahil sa dami ng tubig na nawawala sa
katawan ng bata. Ito ay maaring ikamatay ng bata.
Ang pagtatae ay maaari din na ituring isa sa mga sanhi ng
malnutrisyon ng bata

(Department of Health, 2007).

Mga karagdagang kaalaman sa Pagtatae

  • Hindi masasabing nagtatae ang isang bata kapag siya ay madalas dumumi ngunit hindi matubig ang dumi.
  • Kadalasang malambot ang dumi ng isang batang sumususo ng gatas ng ina kaya hindi rin ito matatawag na pagtatae.
  • Nagbabago-bago ang dalas at uri ng pagdumi ng isang bata batay sa kanyang edad at kinakain.

PAGSUSURI NG BATA PARA SA PAGTATAE

Step 1. Suriin muna kung may senyales ng malalang sakit o general signs ang bata:

  • Nakakainom o nakakapagsuso sa ina ang bata?
  • Sinuka ba ng bata ang lahat ng kanyang kinain?
  • Nagkaroon ba ng kombulsyon ang bata?
  • Ang bata ba ay masyadong antukin o mahirap gisingin?

Step 2. Tanungin: β€œAng bata ba ay inuubo?”. Kung ang sagot ay HINDI, tumungo na sa susunod na hakbang.

Step 3. Tanungin: β€œ Ang bata ba ay nagtatae?”:

  • Kung ang sagot ay HINDI, tumungo sa susunod na hakbang patungkol sa pagsusuri para sa lagnat.
  • Kung ang sagot ay OO, gawin ang mga sumusunod:

Step 4. Siyasatin kung mayroong senyales ng panunuyo, tuloy-tuloy na pagtatae, at dysentery.

Solusyon sa Pagtatae

May Malalang Panunuyo

  • Dalhin kaagad ang bata sa pagamutan upang maumpisahan ang pagsusuwero.
  • Kung makakainom ang bata, bigyan ng ORS.

May Panunuyo

Paggamot ng panunuyot gamit ang ORS

Walang Panunuyo

  • Bigyan ang bata ng dagdag na inumin
  • Bigyan ang bata ng zinc
  • Ipagpatuloy ang pagpapakain sa bata
  • Ipaliwanag sa tapangalaga kung kailan dapat ibalik ang bata sa health center

Leave a Comment