Paano Gamutin Ang Pigsa
Ano ang Pigsa?
Ang pigsa o Boil ay galing sa bacteria na Staphylococcus, na nabubuhay sa ating mga balat sa buong katawan. Madalas nakikita natin tumutubo ang pigsa sa suso, puwit, mukha, leeg, at binti. Mapula ito at malambot ang bukol at habang tumatagal ay may lumalabas na nana at dugo ditto sa tinatawag nilang mata ng pigsa.
Ano Ang Sanhi ng Pigsa?
Ang pigsa ay ang nakaumbok at namumula na bukol sa balat na nabubuo dahil sa bakteriyang Staphylococcus aureus na nakapasok sa hair follicles ng balat. Dahil sa maliit na sugat sa balat mo kaya dumadaan ang bakteryang ito. Pwede rin ito sa parte ng katawan na parating pinapawisan gaya ng kilikili, leeg, hita, pisngi, puwit, mukha at balikat.Kaya napapansin mong namumula, namamaga at napupuno ng nana ay dahil sa bakteryang ito.
Paano Iwasan ang Pigsa?
1. Maligo ka araw-araw para maalis ang dumi sa katawan mo at mapanatiling malinis ang iyong katawan.
2. Piliin ang sabon na mabisa panglaban sa mga bacteria.
3. Maglinis ng iyong paligid at iyong bahay. Maglinis din sa iyong kwarto at palitan ang sapin ng iyong kama at unan araw-araw.
4. Gumamit ng alcohol kung kinakailangan para sa dagdag proteksyon laban sa mga bacteria.
Ano Ang Gamot Sa Pigsa?
1. Gamitin ang Povidone Iodine at pahiran o ibabad ang pigsa ng 3 beses sa isang araw.
2. Lagyan ng hot compress (mainit na tuwalya) ang pigsa para mahinog ito at lumabas ang nana o yung tinatawag nilang mata ng pigsa. Huwag na huwag mong titirisin ang pigsa kapag hindi pa hinog ito dahil magdudulot lamang ito ng peklat sa iyong balat.
3. Kumonsulta sa doktor kung bibigyan kayo ng antibiotic para sa pigsa.