Hindi na bago sa atin magkaroon ng sakit ng ulo. Minsan bigla na lang itong umaatake ng hindi inaasahan. Ano nga ang sanhi nito at paano natin ito maiiwasan at ganun din ano nga ba ang dapat gawin o dapat ipanggamot dito.
Mga Sanhi o Dahilan ng Sakit ng Ulo
Ang sakit ng ulo ay hindi lang basta sakit ito ay nararanasan pag may kirot sa ulo na nararamdaman o di kaya’y matinding sakit sa buong ulo na parang gusto na nyang sumabog. Dapat nating maintindihan kung bakit nga ba nangyayari ito.
May tinanatawag na mild na sakit ng ulo na kaya mo pang dalhin at meron namang intense na sakit ng ulo na namimilipit ka na sa sakit. Ano man ito kelangan natig unawain kung ano ang pinaggagalingan nito.
Mga Uri ng Sakit ng Ulo
Mahigit 150 na uri ng sakit ng ulo.Ang nakalista dito ay yung mga pangkaraniwan lamang na nararamdaman ng isang tao.
Stress o Tension Headaches
Ito ay para sa mga kababaihan na 20 taon pataas na parati nilang nararanasan. Dahil ito sa stress, maling posture, pagod, depression at anxiety. Para itong may lastic band na nakapulupot sa ulo mo, ganun ang pakiramdam. Dahil ito sa paghihigpit ng mga muscles sa leeg at sa anit. Pwedeng tumagal ang tension headache ng ilang minuto, at pwede ding umabot ng ilang araw. Ang mga sintomas nito ay:
- Neck stiffness at tsaka shoulder stiffness o paninigas ng leeg at mga balikat
- Scalp tenderness o paninigas ng anit
- Pressure sa noo na maaaring umabot sa gilid at likuran ng ulo
Ang pag-inom ng gamot para sa sakit ng ulo o pain reliever ay magbibigay agap at ginhawa mula sa stress o tension headache.
Cluster Headaches
Ang cluster headaches ay mararamdaman sa paligid ng mga mata na parang mahapdi. Ang pag-dilate o paglaki ng mga blood vessels na nagsusupply ng dugo sa utak at sa mukha ay nagdudulot ng pagkirot. Dahil ito sa hormonal change sa katawan.
Karaniwan itong nakikita sa mga kalalakihang may edad 20 hanggang 40. Pwedeng magtagal ang sakit ng ulo na ito mula 15 minutes hanggang 3 oras, at maaari ding itong magpabalik balik ng ilang araw.
Pwedeng mag oxygen therapy (o ang paggamit ng extra oxygen) at prescription medicines mula sa mga doktor kung nakakaranas ng ganitong klaseng sakit ng ulo.
Migraines
Ito ay mararamdaman sa isang side ng ulo na may throbbing o pagtibok o pumipintig pintig ang isang migraine. Ibat-ibang uri din ito tulad ng chronic migraine (na pabalik-balik ng higit 15 na araw kada buwan) at hemiplegic migraine (na may mga sintomas na maihahalintulad sa mga sintomas ng stroke). May iba’t-ibang triggers din ito tulad ng hormonal changes, stress, ilang pagkain at inumin (tulad ng kape), at environmental factors (tulad ng ingay at maliliwanag na ilaw). Ang sintomas ng Migraine ay ang mga sumusunod:
- Throbbing pain o pagtibok-tibok ng ulo
- Kirot na mararamdaman sa isang bahagi lang ng ulo
- Nausea o pagduduwal
- Pagiging sensitibo sa ilaw at ingay
- Pagsusuka
Gaya din ng ibang sakit ng ulo, makakatulong din ang pag-inom ng pain relievers kontra sa migraine. Kapag ito patuloy pa ring sumakit ay magpakonsulta na sa Doktor.
Kailan Dapat Kailangan ng Magpasuri sa Doktor
May sakit ng ulo na nadadaan lang sa gamot at magiging okay ka na at meron namang sakit ng ulo na kelangan mo ng ipatingin sa Doktor. Kailan dapat magpatingin? Kapag ikaw ay uminom na ng gamot para sa sakit ng ulo pero paulit-ulit pa rin itong bumabalik at lalo pang sumasakit. Gamit ang ilang pagsusuri ay matutulungan ka ng doktor para maintindihan ang problema sa sakit ng ulo. Ano nga ba ang dahilan nito at kung papano gagamutin ito.
Kapag may ibang sintomas na ang sakit ng iyong ulo ay dapat mo ng ipatingin ito sa Doktor gaya na lamang ng mga sintomas na ito:
- Drowsiness o pagiging antukin
- Fever o lagnat
- Pagsusuka
- Pamamanhid ng mukha
- Panghihina lalo sa mga braso’t mga paa
- Pagkalito
- Apektadong senses tulad ng kawalan ng panlasa o pang-amoy
Uminom ng Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte), Biogesic, Tempra, Calpol etc.
Maramin klase ng gamot sa sakit ng ulo pero iba iba man ang pangalan ay may iisang itong ingredients na Paracetamol na nagpapahupa sa sakit ng ulo.
Pwedeng gamitin ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte)! Ito rin ay nagbibigay ginhawa sa iba pang sakit tulad ng binat, sakit ng katawan at lagnat. Mabibili ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte) sa lahat ng botika sa buong Pilipinas.
IF SYMPTOMS PERSIST, CONSULT YOUR DOCTOR