Gamot Sa Sipon

Masakit sa ulo at kung anu-ano pang hindi mo maipaliwanag na dahilan na hindi komportable sa katawan kapag ikaw ay nagkakasipon.  Tingnan natin ang mga paraan na pwedeng gawin sa bahay para guminhawa ang pakiramdam at malabanan ng iyong katawan ang sipon at kalaunay mawawala rin ito.

Sipon

Sintomas

  • mapapansin and sintomas 1-3 araw pagkatapos maexpose sa virus.
  • sipon
  • makating lalamunan
  • ubo
  • pagbahing
  • naluluhang mata
  • lagnat na may pamamawis
  • panlalambot ng katawan

Sanhi

Ang virus ay pumapasok sa ilong o bibig. Ito’y kumakalat sa tulong ng hangin kapag ang taong may sakit ay inuubo, buabahing o kahit nagsasalita lamang. Kapag hinawakan mo ang bibig, ilong o mata pagkatapos makipaghalubilo sa taong may sipon, ikaw ay maaring mahawaan.

Mga Komplikasyon Kapag Hindi Agad Nagamot

  • Impeksyon sa tenga
  • Sinusitis
  • Pulmonya

Mga Dapat Gawin pag may Sipon

Ang Dapat Iwasan pag may Sipon

Gatas – Ang gatas ay nagpapalabas ng maraming plema sa ibang tao kaya iwasan muna ang paginom ng gatas.

Alak, kape at Softdrinks – Ang mga ito ay nagpapalala ng dehydration.

Ang Dapat Bilhin pag may Sipon

Gamot Pang Sipon – Bumili ng gamot na pang sipon para maibsan at paluwagin ang paghinga. Dapat alalahanin na ang may mga sakit sa puso ay magingat sa pagbili ng gamut na ito.

Ang Dapat Imumog pag may Sipon

Tubig na may Asin – Kelangang magmumog ng tubig na may asin. Kalahating kutsaritang asin kasama ang maligamgam na tubig ay nagbibigay ng pansamantalang kaginhawaan sa makating lalamunan.

Ang Dapat Kainin pag may Sipon

Maanghang na Sopas na may Manok – Ang maanghang na sopas na may manok ay nagpapadaloy at naglilinis ng mucus sa iyong ilong dahil sa sangkap nitong bawang, luya, sibuyas at sili.

Ang Dapat Inumin pag may Sipon

  • Uminom ng Vitamin C – Ang vitamin C ay nagpapatibay ng resistensya para paikliin ang pagtagal ng sipon.  Isang dosage ng 500 milligrams ay sapat na para patibayin ang iyong resistensya.
  • Uminom ng Tubig – Ang paginom ng 8 to 12 glasses ng tubig kada araw ay nakakatulong sa paglusaw ng bara at maiwasan ang dehydration.
  • Uminom ng Zinc – ang gamot ay nakakatulong sa ubo at sipon at pangangati ng lalamunan. Pero ito ay ipinagbabawal sa bata 3 taon pababa baka sila ay mabilaukan.

Paglanghap ng Steam o usok – Ang paglanghap ng steam o usok ay nakakatulong par malusaw ang plema kapag ikaw ay sinisipon.

Yun ang mga dapat tandaan at dapat gawin sa inyong bahay kapag ikaw ay sinisipon.

Leave a Comment