Ano ang Sunburn at Paano ito Malulunasan?
Ang Sunburn ay ang pagkasunog at pagkasira ng ibabaw na bahagi ng balat. Ito ay isang namumulang reaksyon ng balat kapag naibabad sa sinag ng araw na may ultraviolet rays ng matagal na oras. Ito ay nagdudulot ng pamumula, pamamaga, at sa malalalang kaso ay nagpapantal pantal at nagbabalat. Ang pagbabalat ng balat ay nangangahulugan na ang katawan mo ay kelangan na nyang alisin ang nasirang skin cells sa katawan.
Lunas sa Sunburn at tsaka Home Remedies
Sa Kaso ng Sunburn kelangan mong:
- Kelangan mong tumawag ng Doktor kung:
- Ang sunog na balat ay may lobo lobo na kulay puti at hindi makaramdam. Ito ay isang senyales ng isang malalang sunburn.
- Ang nasunburn na tao ay isang batang wala pang isang taong gulang.
- Uminom ng Tubig:
- Palitan ang tubig sa katawan na nawala sa pamamagitan ng paginom ng tubig, juice, o kaya’y sports drink gaya ng gatorade.
- Lunasan ang Sintomas
- Pahiran ang balat ng aloe vera o nabibili sa botika na moisturizing lotion ayon sa nakasaad sa panuntunan ng paglalagay nito.
- Maligo ng malamig na tubig para malamigan ang nasunburn na balat.
- Pahiran ng malamig na compress ang balat para guminhawa ito.
- Uminom ng gamot na acetaminophen (Tylenol) or ibuprofen (Advil, Motrin, Nuprin) para sa sakit.
- Hayaan ang lumulubong balat huwag putukin ito.
- Protektahan ang balat sa matinding sikat ng araw.
Pwede ring Subukan ang Home Remedies pag may Sunburn:
- Magbabad sa tubig sa mga natural ingedients na ito:
- Oatmeal: Maglagay ng oatmeal sa isang medyas at isama kasma mo sa pagbabad.
- Baking soda or cornstarch: Parehong tumutulong at nagpapahupa ng pamamaga kapag inihalo sa pagligo.
- Cider vinegar: Ang pagbababad sa suka ay nakakapagpahupa sa sakit, pamamaga at pangangati.
- Gumawa ng paraan para guminhawa ang balat gamit ang mga bagay na nakikita sa ating mga kusina.
- Ice: Gumamit ng ice para sa cold compress, Wag idirekta ang ice sa balat.
- Witch hazel: Ilagay itong kontra pamamaga na astringent sa isang malinis na pamunas at ipahid sa naapektuhang lugar.
- Oatmeal: Gumawa ng hinimashimas na oats kasama ang honey and milk.
- Tea: Maglaga ng black, green or chamomile tea, hayaang lumamig at ibabad ang malinis na tela. Pwede ring dagdagan ng mint leaves para lalong lumamig ang pakiramdam.
- Baking soda or cornstarch: Gumawa ng paste gamit ang kahit sa anong dalawang ingredient at tsaka tubig.
- Coconut oil: Palamigin ang naapektuhang balat ng malamig na tubig at pagkaraan ay pahiran ng oil.
Kelangang subukan nyo muna ang paggagamot gamit ang home remedy at tingnan nyo muna kung may allergic reaction kayo sa mga nabanggit na ingredients. Para rin maiwasan ang patuloy na irritasyon at pagkasira ng balat. Para maiwasan ang impeksyon huwag maglagay ng kahit ano sa lumulubong balat at sugat.
Paano gamutin ang lobo-lobong balat at Pagbabalat:
- Huwag putukin ang lumobong balat. Kapag pumutok ng kusa, hugasan ang area ng tubig at sabon, pagkatapos lagyan ng antibiotic, at lagyan ng gauze bandage.
- Unti-untiin lamang ang pagbabalat sa nagbabalat na balat. Ang pagbabalat ay isang natural na proseso. Nangyayari ito pagkatapos ng ilang araw na sunburn. Ipagpatuloy ang paggamit ng moisturizer gaya ng aloe vera lotion o di kaya’y gel.
- Iwasan ang mga bagay na nagtatapos ang pangalan sa “caine,” gaya ng benzocaine. Dahil ang ibang tao ay may allergic reaction tungkol dito.