Genital Herpes: Impeksiyon sa Ari

Ano ang genital herpes?

Kilala rin bilang genital herpes, cold sore, herpes simplex virus, HSV

Isang pangkaraniwang STI ang mga herpes, na dulot ng herpes simplex virus (HSV) at naipapasa kapag may pisikal na pagdidikit ng mga balat habang nakikipagtalik.

MGA MABILISANG KAALAMAN

• Isa sa mga pinakakaraniwang impeksyong naisasalin sa pakikipagtalik ang genital herpes
• Walang sintomas ang maraming tao
• Karaniwang ginagawa ang pagsusuri gamit ang swab ng ulcer o ng makating bahagi
• Available ang paggagamot para mapamahalaan ang mga sintomas ng herpes

Makakapasok sa katawan ang herpes simplex virus (HSV) sa pamamagitan ng maliliit na galos (sugat) sa ari,
bibig at labi o puwet.

May dalawang uri ng virus ng herpes – HSV-1 at HSV-2. Maaaring magdulot ng genital herpes ang parehong uri ngunit may magkaibang resulta.

Karaniwang nagdudulot ng mga cold sore sa bibig ang HSV-1 ngunit maaari ding magdulot ng genital herpes:

• Pinakakaraniwang nangyayari ang Genital HSV-1 na impeksyon kapag nagsagawa ng oral sex ang isang
taong may cold sore virus (na maaaring mayroon o walang sintomas) sa isang taong hindi pa nakakawahan
ng virus. Maaaring magkaroon ng mga paltos, sugat o singaw sa bibig, ari o puwet.
• Maaaring maging masakit para sa ilang tao ang unang impeksyon sa HSV-1; karaniwang hindi namasyadong masakit ang mga bumalik na impeksyon.
• Maaaring maisalin ang virus ng ilang taong may impeksyon na HSV-1 virus kahit pa wala silang cold sore
(tinatawag na symptomatic viral shedding).
• Hindi masyagong kailangan ng mga taong may impeksyon na genital HSV-1 ang antiviral na pagpapagamot pagkatapos ng unang pagkakahawa at may mababang panganib na isalin ang impeksyon sa kaniyang mga sekswal na kapareha.

Nagdudulot ng genital herpes ang HSV-2:
• Nagkakaroon ng impeksyon na genital herpes HSV-2 kapag ang isang taong may ganitong virus (na maaaring mayroon o walang sintomas) ang nagkaroon ng pakikipagtalik gamit ang bibig, ari o puwet sa isang taong walang nakaraang pagkalantad sa virus. Maaaring magkaroon ng mga paltos, sugat o singaw sa bibig, ari o puwet.
• Maaaring maging masakit para sa ilang tao ang unang impeksyon sa HSV-2; karaniwang hindi na masyadong masakit ang mga bumalik na impeksyon.
• Maaaring maisalin ang virus ng maraming taong may impeksyon na HSV-2 virus kapag wala silang singaw o
galos sa ari (tinatawag na symptomatic viral shedding).
• Malamang na mangailang ng antiviral na pagpapagamot ang mga taong may genital herpes (HSV-2) na
impeksyon at nasa panganib na maipasa ang virus sa kaniyang ma sekswal na kapareha.
• Hindi pangkaraniwan ang mga unang oral HSV-2 na impeksyon at hindi halos nagkakaroon nito ang
malulusog na tao.

Paano ka magkakaroon nito?

Naisasalin ang herpes sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga balat sa pagsasagawa ng pagtatalik gamit ang ari, bibig o puwet. Maipapasa rin ito sa pamamagitan ng paghahalikan, rimming at pagkikiskisan ng mga ari.
Pinakamabilis makahawa ang herpes kapag may mga sintomas tulad ng cold sore o paltos o sugat sa ari, ngunit maipapasa rin kapag walang sintomas o minor na sintomas tulad ng pangangati o pangingilig.

Ano ang mga sintomas?

Walang sintomas ang maraming tao habang nasa unang impeksyon o kung pabalik-balik na.

Gayunpaman, maaaring magdulot sa maraming tao ang mga unang impeksyon ng:
• masasakit na paltos, sugat, o singaw
• pananakit at pamamaga sa bahagi ng ari na nagdudulot ng hirap sa pag-ihi
• mga mala-trangkasong sintomas
• maliliit na bitak sa balat (nangangati o hindi)
• pamumula o pantal
Karamihan sa mga pabalik-balik ay walang sintomas, o mayroon lamang kaunting pangangati, pagpapantal o
pangingilig. Sa ilang tao, maaaring magdulot ang pabalik-balik na mga impeksyon ng maliliit na paltos, sugat o singaw sa ari, puwet, hita at puwet.

Paano ito ginagamot?

Walang lunas sa herpes, ngunit mababawasan ng paggagamot ang mga sintomas at maiiwasan ang
pagpapabalik-balik. Lubhang mabisa at napakaligtas ng mga antiviral na gamot, kahit pa iniinom sa mahahabang panahon: Ginagamot ang mga inang impeksyon nang hanggang 10 araw para bawasan ang pagiging malala at tagal ng mga sintomas. Magagamot ang pagpapabalik-balik nito gamot ang pang-isang araw na kurso ng episodic therapy, na sinimula sa pinakaunang palatandaan ng mga sintomas. Mapipigilan ang mga madalas na pagpapabalik-balik sa pamamagitan ng patuloy na pag-inom ng gamot. Mayroon ding pakinabang ang suppressive therapy na nagpapababa sa pagsasalin nito sa mga sekswal na kapareha.
Madalas na nagpapalipat-lipat ang mga taong may herpes sa mga episodic at suppresiive therapy batay sa
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Paano ko poprotektahan ang aking sarili?

Ang pinakamagandang paraan para protektahan ang sarili ay umiwas sa pakikipagtalik gamit ang bibig at ari sa mga kapareha na may aktibong sintomas ng herpes, tulad ng cold sore o singaw o paltos sa ari. Tuloy-tuloy na gumamit ng mga condom dahil maaaring may herpes sa balat nang walang anumang sintomas at
maipapasa ng isang taong walang makikitang sugat. Gumamit ng mga silicon-based na lubricant para makaiwas sa skin trauma. Kung may herpes ka, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagsasagawa ng suppressive therapy – pabababain nito ang panganib na maipasa ito nang 50%.