Ang An-an o Tinea versicolor sa medical term ay isang fungal infection na tumutubo sa mukha, leeg, dibdib, tyan, kamay, paa at likod. Ito ay isang kondisyon sa balat kung saan nagkakaroon ng mga malilit na puting bilog o malaking puting patche-patche sa balat ng isang tao.
Dapat Isaalang alang sa Paggamot sa An-an
Ano ang sanhi kung bakit nagkakaroon ng An-an?
Ang Malassezia na fungus na kapag lubusang dumami ay nagkakaroon ng An-an. Ito ay umuusbong lalo na sa summer dahil sa mainit at basang lugar. Lalo na kapag ikaw ay pawisin at kapag oily ang iyong balat.
Gamot sa An-an
Maaring gamutin ang an-an gamit ang anti-fungal cream na mabibili sa botika. Ipahid lang sa balat na may an-an ang cream dalawang beses sa isang araw sa loob ng isang linggo. Kung hindi umepekto ang cream ay pwedeng magreseta ang doctor ng antifungal tablets na pwedeng inumin isang beses isang araw sa loob ng isa hanggang apat na araw.
Dapat Gawin para Maiwasan ang An-an
· Maligo araw-araw
· Iwasang matuyuan ng pawis
· Iwasang magbild sa init ng matagal
Natural na paraan para gamutin ang An-an
1. Luyang Dilaw o Turmeric – dalawang kutsaritang turmeric powder kasama ang tubig at haluin hanggang lumapot pagkatapos ay ipahid sa balat tatlong beses isang araw at magantay ng 20 hanggang 30 minuto pagkatapos ipahid bago banlawan ng tubig.
2. Apple Cider Vinegar – Kumuha ng bulak at ipahid ang apple cider vinegar sa apektadong balat. Ito ay pwedeng gawin dalawa o tatlong beses sa isang araw.
Maaring kumonsulta sa doctor para mabigyan ng tamang panlunas sa An-an na inyong nararanasan.