Ano ang psoriasis?
Ang psoriasis ay isang uri ng impeksyon sa balat na maaaring mamana. Sa kondisyong ito, ang pasyente ay nagkakaroon ng pangangapal, pamamaga, pamumula, pangangati, at pangangaliskis ng balat na karaniwang matatagpuan sa anit, likod, mga siko, mga tuhod, at iba pang mga bahagi ng katawan.
Sa taong may psoriasis, nakararanas siya ng mas mabilis na pagpapalit ng balat kaysa sa normal. Karaniwang inaabot ang pagpapalit ng balat sa loob ng 10 hanggang 30 araw. Subalit sa kondisyong ito, ang balat ay patuloy na nagpapalit sa loob lamang ng 3 o 4 na araw. Dahil dito, ang balat ay wala nang pagkakataon pang kuminis o humulas kaya naman ang pasyente ay nakararanas ng iba’t ibang mga sintomas.
Ano ano ang sintomas ng psoriasis?
Maliban sa pangangapal ng balat, narito pa ang ibang senyales nito:
- balat na nanunuyo at basag
- pache pacheng balat na namumula
- pananakit ng balat
- pangangaliskis ng balat
- pananakit sa kasu kasuan
- basag at abnormal na ichura ng kuko
Posibleng lumitaw ang psoriasis sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:
- kamay at paa
- kuko
- siko
- likod
- anit
- singit at ari
Ano ang mga sanhi ng psoriasis?
Nagkakaroon ng psoriasis ang isang tao kapag may problema ang kanyang immune system. Dito, pinapabilis ng immune system ang paggawa ng bagong skin cells sa katawan. Ang abnormal na pagtubo ng skin cells ang siyang nagdudulot ng pangangapal at pagkaliskis ng balat.
Kung hindi tau mag iingat maaring lumala ang psoriasis:
- kapag palaging naiistress
- kapag nagkasakit dahil sa matinding impeksiyon
- kapag na injure dahil sa surgery
- kapag nakainom ng piling gamot
- kapag hindi lumalabas at naaarawan
Paano ginagamot ang psoriasis?
Ang paraan ng pagamot ay nakadepende sa iyong edad at pangkalahatang kalusugan, kung gaano kalala ang iyong psoriasis, at kung anong mga parte ng katawan ang apektado ng sakit na ito. Ang madalas na inirerekomenda ng dermatologist ay ang mga sumusunod:
- moisturizers
- steroid creams
- vitamin d3 ointment
- vitamin a o retinoid creams
- anthralin
- mga lotion at shampoo para sa anit
Kapag malala ang psoriasis, maaring irekomenda ang paggamit ng uv light therapy
Paano maiiwasan ang psoriasis?
Dahil ang psoriasis ay dulot ng abnormal ng immune system,hindi ito maiiwasan. Ito ay sakit na pang habang buhay na maaring mawala at bumalik sa kahit anong oras.
Para maibsan ang epekto nito sa atin, kumain ng tama. Mag ehersisyo. Alalayan ang timbang. Iwasan ang pag inom. Iwasan ang stress. Lumabas at maging aktibo sa buhay.
Paalala: Komunsulta muna sa mga doktor bago uminom ng anumang gamot.