Ano ang HYPERTENSION o HighBlood?
Ang mataas na presyon ay nagaganap kapag ang presyon ng dugo na dumadaloy sa ating ugat ay nananatiling mataas sa loob ng mahabang panahon. Nahihirapan ang tibok ng ating puso kung mataas ang presyon. Kadalasan ang tao na mayroong mataas na presyon ay walang nararamdaman na senyales or simtoma. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay nakakasama sa ating puso, bato, at mga mata.
Alamin ang inyong numero!
• Mas mababa sa 120/80 ang normal.
• 120/80 hanggang 139/89 ay prehypertension.
Ang presyon ng inyong dugo ay maaari maging problema. Kumilos agad kayo.
• 140/90 o mahigit pa, ito ay mataas na presyon.
*Ang hypertension ay salitang medikal para sa mataas na presyon.
Sa isang matanda na ang presyon ng dugo ay bahagyang tumataas.
Mga Sanhi ng Hypertension;
Ang hypertension ay maaring PRIMARY O SECONDARY. Ang SECONDARY TYPE NG HYPERTENSION ay pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod:
pangalawang resulta ng mga sakit tulad ng sakit sa bato, cystic adrenal, endocrine sakit, arteryal na sakit o pagbubuntis
Ngunit, 90% sa 95% ng mga kaso ng mga pangunahing at mataas na altapresyon ay dahil sa hindi kilalang dahilan.
- Namamana– Pag nasa pamilya ang sakit na high-blood, malaki ang posibilidad na magkaroon ka rin nito.
- Labis na katabaan. Resulta ng ilang mga pag-aaral na may mataas na posibilidad na magkaroon ng sakit na hypertension ang matataba kaysa sa mga ordinaryong tao. Minsan kasi, ang mga molecules ng taba sa dugo ay nakakasagabal sa daloy ng dugo sa ugat kaya’t tumataas ang presyon.
- Mental stress. Pag-aaral o kapag mental stress ay din laging madali na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo at sakit sa puso kaysa sa mga taong may mental kapayapaan. Ang dahilan ay stress na nagiging sanhi ng adrenal capsule release mas adrenaline, na gumagawa ng mga kemikal at pagliit ng daluyan ng dugo, puso palpitations.
- Walang pisikal na aktibidad. Kahihinatnan ng obesity ay hindi aktibo, ngunit sobra sa timbang ay nadagdagan ng trabaho ng puso
- Tabako
- Alak
- sobrang pagakain ng mga masesebo at matabang pagkain.
- sobrang intake ng maalat (asin) sa katawan.
Mga Sintomas ng Hypertension:
- Pananakit ng dibdib (Chest pain)
- Pagkahilo
- Pananakit ng batok
- Labis na panghihina
- Pananakit ng ulo
- Nahihirapan huminga
- Pamamawis
- Pagkalito
- Kawalan ng malay
Kung mayroon kayong mataas na presyon, kailangan palaging magpatinging nang madalas.
Subukan Ninyo Itong Limang Pabuya Upang Maiwasan at Mapigilan ang Mataas na Presyon ng Dugo
1. Kumain ng pagkaing na mababa sa asin, mantika o taba (saturated fat), at kolesterol. At saka, bantayan ang inyong kaloriya.
2. Piliin ang pagkaing na nakapagpalusog sa puso. Ang prutas, gulay, mga produktong may gatas na walang taba or kaunting taba (nonfat or lowfat), lutong tuyo na beans at gisantes, isda, manok, mani, mga produkto ng grains, lalo na ang whole grain ay masustansya sa puso.
3. Magbawas ng sobrang timbang sa pamamagitan ng pagbawas sa kaloriya at damihan ang inyong aktibo.
4. Pabawasan ang pag-inom ng alcohol. Kung kaya ay umiinon ng serbesa,alak o wine, nang katamtaman lamang. Ang ibig sabihin, sa loob ng isang araw, ito ay hindi palalagpasin sa isang pag-inom para sa babae at dalawang pag-inom para sa lalake.
5. Inumin ang inyong gamot sa presyon ayon sa sinabi ng inyong manggamot.
Gamot sa HighBlood o Hypertension o Altapresyon.
Amlodipine Mabisang Gamot. Ito ang mga dahilan:
1. Ang Amlodipine ay malakas magpababa ng presyon. Kung mahigit160 over 100 mm Hg ang iyong presyon ay kailangan mo nang malakas na gamot, tulad ng Amlodipine.
2. Mabisa at matagal mawala ang gamot na Amlodipine. Ang isang tableta ng Amlodipine ay kayang magpababa ng presyon sa loob ng 24 hanggang 48 oras. Ganun kabilis ang Amlodipine.
3. Ito ang karaniwang sikreto ng mga cardiologists. Alam na lam nila ang bisa at lakas ng Amlodipine. Kung hindi kayang kontrolin ng ibang gamot ang inyong blood pressure, subukan ninyo ang Amlodipine.
Paano binibigay ang Amlodipine?
Kung ang high blood pressure ninyo ay lampas sa 140 over 90 mmHg, puwede ng ibigay ang Amlodipine sa inyo. Ang presyo ng Amlodipine 5 mg ay nagkakahalaga ng P5-15 bawat tableta. Kung talagang mataas ang inyong highblood ay pwedeng uminom ng masmataas na Amlodipine 10 mg na tablet.
Kaya dapat magtanong po sa inyong doktor tungkol sa Amlodipine. Dahil malaking tulong po ito, sa murang halaga, makakaiwas kayo sa istrok at atake sa puso. Hahaba pa ang inyong buhay at maiiwasan nyo pa ang parating nasa Ospital.