Ang diphtheria ay isang nakamamatay at nakakahawang sakit na dulot ng bacteria na Corynebacterium diphtheriae. Karaniwang apektado nito ang lalamunan at itaas na bahagi ng daanan ng hangin. Ang toxins na nilikha ng bacteria ay nagiging sanhi ng paninigas ng mga dead tissue sa lalamunan at tonsils, na nagdudulot ng paghirap sa paghinga at paglunok.
Sanhi
Ang Corynebacterium diphtheriae ay maaaring makuha sa iba’t ibang paraan:
- Hangin: Kapag isang tao ay nagdadala ng nasabing bacteria, maaari itong makahawa sa pag-ubo o pag-hatsing. Ang droplets mula sa ubo o hatsing nito ay maaaring mahinga ng ibang tao, at ang bacteria ay nakakapasok sa katawan ng iba.
- Mga gamit: Maaari rin makuha ang bacteria sa paggamit ng mga kontaminadong kagamitan tulad ng tissue, basong hindi pa nahuhugasan, o iba pang bagay na nadapuan ng bacteria mula sa mayroong impeksiyon.
- Kagamitan sa bahay: Bihira mang mangyari, pero maaari pa rin itong maipasa sa pamamagitan ng mga karaniwang kagamitan sa bahay tulad ng tuwalya o laruan.
- Paghawak sa sugat: Ito ay uri ng diphtheria na nakaka-apekto sa balat. Kilala ito bilang cutaneous diphtheria.
Sintomas
Kung ikaw ay nahawa, maaaring makaramdam ng mga sumusunod na sintomas 2 hanggang 5 araw matapos makuha ang bacteria:
- Makapal na membrane na kulay gray sa lalamunan at tonsils
- Sore throat
- Pamamaga ng lymph nodes sa leeg
- Hirap o mabilis na paghinga
- Pagkakaroon ng discharge mula sa ilong
- Lagnat at panginginig
Para sa cutaneous diphtheria, ang sintomas ay kinabibilangan ng pananakit ng bahagi ng impeksiyon, pamumula, at pamamaga.
Gamot
Para sa paggamot ng diphtheria, ang mga sumusunod na hakbang ay mahalaga:
- Diphtheria Antitoxin: Agad na binibigyan ng mga doktor ang pasyente na sinususpetsahan na may diphtheria ng antitoxin upang maiwasan ang pinsala na dulot ng lason ng bakterya sa katawan.
- Antibiotics: Ang mga antibiotics tulad ng penicillin, erythromycin, clarithromycin, at azithromycin ay ginagamit para patayin at alisin ang bacteria.
Mahalaga ring magpakonsulta sa doktor upang malaman ang tamang dosage ng gamot at mabigyan ng reseta para sa mga ito. Ingat sa kalusugan at mag-ingat laban sa diphtheria!