Ano ang dysmenorrhea?
Ang dysmenorrhea ay mas kilala sa tawag na menstrual cramps na nagaganap tuwing may regla ang isang babae. Nagdudulot ito ng paninikip sa matris na siya namang nagdudulot ng pananakit sa mga bahaging nakapalibot sa balakang at ibabang tyan. Ito ay maaring magdulot ng pananakit ng likod, pagtatae at pagsusuka.
Madalas itong nararanasan ng mga babae sa simula ng kanilang regla at maaring tumagal ang mga sintomas nito ng tatlong araw. Bagamat hindi it masyadong nakakaabala sa mga gawain sa araw araw, ang dysmenorrhea ay maaring dulot ng umiiral na kondisyon na kailangan ng pagsusuri.
Ano ang mga sintomas ng dysmenorrhea?
Ang pangunahing sintomas ng dysmenenorrhea ay pananakit ng balakang o gilid ng tiyan. Maari din maramdaman ang pananakit ng hita at likod. Bukod sa sintomas ng menstrual cramps, maari rin itong magpalala ng ibang senyales ng pagreregla gaya ng mga sumusunod:
- pagsusuka
- pagsakit ng ulo
- panghihina
- pagkahimatay
- pagtatae
Ang lahat ng sintomas na ito ay maaring tumagal hanggang matapos ang regla ng babae. Hindi ito kadalasang nagdudulot ng malubhang kalagayan, ngunit maari itong makaabala sa araw araw na pamumuhay ng isang tao. Ang sobrang pananakit ay maaring makapigil sa paggalaw.
Ano ang sanhi ng dysmenorrhea?
Ang pangunahing sanhi ng menstrual cramps ay ang paninikip ng matris na dulot na kemikal na prostaglandin. ito ay karaniwang ngyyari sa panahon ng pagreregla. Sa sobrang paninikip, maaring maipit ng matris ang mga nakapaligid na daluyan ng dugo na nagdudulot naman ng kawalan ng oxygen sa mga kalapit na kalamnan.
Ang dysmenorrhea ay maaring primary or secondary depende sa sanhi nito. Kung ito ay dulot ng umiiral na kondisyon, ito ay secondary dysmenorrhea. Ngunit kung ito naman ay naganap na walang umiiral na kundison, ito ay primary dysmenorrhea.
Ito ang mga karaniwang sanhi ng secondary dysmenorrhea:
- Endometriosis- Ito ang pinakamadalas na sanhi ng secondary dysmenorrhea. Ito ay kundisyon kung saan tumutubo ang endometrium sa labas ng matris.
- Adenomyosis- Kung ang endometriosis ay ang pagtubo sa labas ng matris, ang adenomyosis naman ay ang pagtubo sa loob ng kalamnan nito.
- Cervical stenosis- Ito ang paninikip ng lagusan ng matris.
- Fibroids- Ito ang mga tawag sa non-cancerous tumors na tumutubo sa loob ng matris.
- Pelvic Inflammatory Disease- Ang pelvic inflammatory disease ay dulot ng impeksyon na maaring kumalat sa iba pang reproductive organs.
Sinasabing humihina ang pananakit na dulot ng dysmenorrhea habang tumtanda ang isang babae. ito din ay maaring tumigil o mawala pagkatapos ng panganganak.
Paano ginagamot ang dysmenorrhea?
Ang paginom ng non steroidal anti inflammatory drug at pain relievers at analgesics ay epektibong gamot sa pananakit na dulot ng dysmenorrhea. Ang pag inom din ng birth control pills ay makakatulong upang mapigilan ang paninikip ng matris. Mainam rin ang paggamit ng heat pads sa apektadong bahagi ng katawan upang humupa ang pananakit ngunit hindi itong epektibo na paggamit sa matagal na panahon. Sa kaso naman ng secondary dysmenorrhea, mahalagang maunawaan ang umiiral na sanhi nito upang maiwasan ng malubhang kumplikasyon.
Paano maiiwasan ang dysmenorrhea?
Bagamat walang siguradong paraan para maiwasan ang dysmenorrhea, maaring mabawasan ang pananakit nito gamit ang sumusunod na paraan:
- Tamang ehersisyo
- pag inom ng birth control pills at supplements