Sa araw na ito ay ating pag uusapan ang tungkol sa tigdas hangin. Tara at sabay sabay nating alamin ang sakit na ito.
Ano ang Tigdas Hangin?
- Sa salitang ingles (english) na German Measles.
- Sa medical term naman ito ay tinatawag na rubella.
- Ito ay Kilala din sa tawag na three-day measles sapagkat karaniwang nagtatagal ang sakit na ito ng 3 araw ngunit maaari rin itong magtagal depende sa lubha ng sakit.
Ang tigdas hangin ay isang uri ng viral infection na sanhi ng rubella virus. Maaaring makuha ang tigdas hangin sa pamamagitan ng pagkalanghap ng hangin na nagtataglay ng nasabing virus. Ang taong nahawaan ng tigdas-hangin ay maaaring hindi agad magpakita ng mga sintomas sapagkat ang incubation period ng sakit na ito ay maaaring magtagal ng 2 araw o hanggang 3 linggo. Ganunpaman, kahit walang ipinapakitang sintomas ang pasyente, maaari na siyang makahawa.
Kung magkakaroon ng rubella ang isang babae habang siya ay buntis, maaari siyang makunan o ang anak niya ay isisilang na may mga malulubhang depekto.
Sintomas ng Tigdas Hangin
Ang pangunahing sintomas na maaring lumabas ay mga pantal. Nagsisimula sa mukha pababa ng katawan na maaring magdulot ng pangangati.
- Low grade na lagnat
- Panghihina ng katawan
- Kulani (lymphadenopathies)
- Rashes o pantal
- Pamumula ng mata
Paano kumakalat ang Rubella?
Naipapasa ito sa pamamagitan ng droplets na may dalang virus na iniubo o ibinahing ng taong may rubella. Maari ring makuha ito kung nahawakan ang bagay na may maliliit na laway ng infected na tao.
Tigdas Hangin Gamot
Nagagamot ba ito? Paano ito maiiwasan? Walang gamot laban sa rubella. Maaari lamang na gamutin ang mga sintomas gaya ng lagnat sa pamamagitan ng pag inom ng gamot at pag inom ng maraming tubig. Ito rin naman ay kusang gumagaling.
Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito. Bilang bahagi ng routine immunization, binibigyan ng Measles, Mumps, Rubella (MMR) vaccine ang mga batang 9 buwan (1st Dose) at 1 taon (2nd dose).
Tuwing may outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose ng measles-containing vaccine sa mga bata.
.